* A Repost from My old blog site Dated Thursday, February 25, 2010 at 6:36am*
"You were smiling... the smile I've been wanting see. the smile that you never gave me.
You turned away...
Then looked back and blushed, and that's it...
I cried..."
Nasa McCafe ako nun somewhere in ortigas. Iniintay kita kasi alam kong late ka na naman or sakto sa oras. Good thing may nakita akong friend, si Will, he kept me Busy so hindi ko napansin yung Oras till you arrived
Dex: Will this is Mark (not his real name), Mark this is Will.
Hindi na tayo nakapunta sa dapat nating puntahan kasi antagal ng quarter pounder na inorder mo at fish fillet na inorder ko kaya nagkwentuhan nalang tayong tatlo till the sun went down. naunang umalis si Will and we stayed a couple of hours more.
Hindi ko alam kung sasabihin ko na ba sa'yo na Lahat ng status updates ko ay about you, lahat ng tinetext ko totoo. nagdadalawang isip ako. pero sabi nga nila the brave may not live forever but the cautious will not live at all.
Tinanong kita kung sino katext mo kasi grabe ka makangiti, parang wala nang bukas.
Mark: Si Will.
Dex: Nagkuhanan kayo ng number?
Mark: Yup (nakangiti pa rin). ang sweet nga nya e, ang kulit pa sa text.
Dex: So Mahal mo na? (paloko kong sinabi)
Mark: (Nginitian lang ako ng bonggang bongga, kinikilig, sabay Nod ng head)
Dex: You can't possibly fall inlove with Will, ngayon palang kayo nagkita (in denial tone)
Mark: Love at first sight.
Yung mga susunod na litanya mo ang hindi ko kinaya. Sabi mo hindi mo inakalang maiinlove ka sa lalake. pero iba yung naramdaman mo kay Will. Gusto kong sumigaw ng "PUTANGINA, I saw this coming kaya nga sasabihin ko na sa'yo na MAHAK KITA e". pero ngumiti nalang ako at sinabing...
I'm Happy for you...
Pero deep inside, gusto kong sabihin "papatol ka rin pala, bakit hindi pa saken"
...
Yung sumunod na eksena, wala na, Umiiyak nalang ko.
Pero di mo nakikita.
Hindi kita mahawakan.
Gusto kitang tampalin pero di ko magalaw yung dalawang kamay ko. wala akong ibang maramdaman kundi yung sakit tsaka yung luhang tumutulo galing sa Mata ko. nagtataka ako kung bakit.
I realized I was in a Panoramic viewing glass. yung parang elevator ng Megamall. Nakikita mo lang yung mga nasa labas, naaappreciate mo sila, pero hindi mo mahawakan. hanggang tingin ka nalang. habang pinapanood kita at ang sarili ko from inside the glass. ang sakit sakit ng damdamin ko. hindi ko maintindihan kung bakit nakukuha ko pang ngumiti... magpakaplastik...
....
6:30 a.m.
pagtingin ko sa relo... Huwebes Feb 25 2010.
Sabay Patak ng Luha.
NANANAGINIP lang pala ako...
Pero bakit ganon, sobrang naramdaman ko yung sakit?
I had a taste of how bitter it would be.
How it would suck if iba yung pinili mo.
Pero ganon yata talaga, mas matapang ako sa panaginip. Kasi sa tunay na buhay i fear rejection. kaya ayan. kakaisip ko sayo bago ko matulog, ayan tuloy napala ko.
Pero naisip ko, hindi pa Oras.
Wag nalang muna or.
Di Bale na.
I've been selling myself short for people I love and can't love me back.
Ayoko munang sumugal.
Mahal na Yata kita...
Di ko pa kayang sabihin...
Pero sana naman ikaw yung mauna, kasi hindi ko pa kayang magsalita.
No comments:
Post a Comment