Search This Blog

Monday, February 28, 2011

Oscars 2011: Red and Bloody Carpet!

Bakit Red and Bloody?
Kasi sa Red carpet, pag pangit ang suot mo, katay ka!
Pag namali ka ng smile or angle, Pak!
Pag pangit damit mo, Boom! 


Di ko na naabutan ng live ang Oscar's 2011 red carpet kaya pinanood ko nalang ang replay online. To my surprise, bongga naman pala ang mga nagmamahalang gown ng mga artistang nominated, hindi nominated or kahit kabit pa ng direktor or producer. pero meron din namang mga sablay. eto naman naman e opinyon ko lamang, wag nang makialam at kumontra, kung gusto mo magsulat ka nalang din ng sarili mong blog kung di mo bet ang mga sinasabi ko. hahahaha.





Virginia Madsen

In her Black and white, feathery, Chooks-To-Go inspired dress by Romona Keveza.

Alam mo Tiya, di naman kita talaga kilala, naloka lang ako talaga sa red carpet photo mo. If your aiming for that swan lake look. oh well, you got the Andoks manok look. kulang nalang sayo beak.
ahahaha

sorry naman. pag tinitingnan ko pa yung thumbnail ng photo mo, parang carpet talaga yung skirt mo. ahahaha.

And who the F* did your hair and make up?!






Natalie Portman


BOOM! Nag show up si girl sa Oscars 2011 red carpet wearing a Rodarte dress - the designer behind the costumes for her Oscar nominated movie Black Swan.

Ni hindi ko man lang nahalatang buntis si ate, and so0000per ganda nya like a g6. 
elegant and stylish.
bravo natalie... clap clap clap...
and congrats to your best actress award teh.

I heard sasayawin nya dapat yung black swan piece nya kaso di na carry ng ugly duckling na dinadala nya. haha




Sharon Stone

In her black swan inspired assymetrical ensemble.

Nakakaloka! nung nakita ko tong picture na toh, natakot ako bigla, kala ko nominated din sa oscars ang WICKED kasi bakit may mangkukulam sa red carpet. haha

Umamin ka teh, may problema ka ba? pumapayat ka kasi e. bawasan mo ang drugs ah. masama yan. and wait lang, naka steel toe shoes ka ba? ahahaha

you look old... but pretty. (ayan ha, dont hate me sharon stone fans)



Celine Dion

The Bicentenial Lady is wearing a metallic Armani Prive. ambongga lang ng mega-watt diamond necklace ni ate. kasi ineexpect ko si Bicentenial man na mag escort sa kanya down the red carpet.

Parang satin weaved yung dress nya, i dunno, wala akong alam mashado jan, magaling lang ako pumuna. parang yung mga filipino stuff na nakikita ko sa Kultura.And napansin ko lang, super botox naman si ate. di na bet gumalaw ng musculature nya sa fez. 

Mitsa na lang kulang teh, pwede ka nang ibenta as giant fountain sa tindahan ng paputok sa bocaue.



Hilary Swank

In Gucci Sequined Degrade Dress.

Winner!!! sequins everywhere. 
another Avian inspired dress (uso ba talaga mga ibon?)

Looking at her makes me proud as a filipino. kasi kung si natalie portman ang black swan, si hilary naman ang SILVER SWAN. hahahaha. 
tatak pinoy.

Super manly ng features ni ate, pero na balance out ng uber feminine gown and gestures nya. IKAW NA TEH!!! 



Jennifer udson

In an Orange Versace gown.
ang pagbabalik ni Pola Bautista.


Umamin ka friend, ginawa mong chichirya ang lesofat capsules noh? grabe, ampayat mo!
yun lang!
at bet kita i-idolize sa part na yan.


There only few celebs na naiisip ko na kayang i-pull off ang gown na toh. One is Brandy (bilang kamukha mo naman sya.) two is, Angelina Jolie, who looks beautiful in anything.


And you look stunningly beautiful also. Uso na naman tayo teh, summer na!!! uso na ang negra! rock on mare!!




Serena Williams


Hindi naman talaga kasali tong si ate serena sa red carpet e. this photo was taken for the Oscar's kick-off party.


Gusto lang naman daw nyang pasalamatan si Allan K. para sa kanyang mukha especially yung ilong.

Sina Vina morales and jackie Lou blanco para sa kanyang biceps and chest muscles.


Funeraria Nacional para sa mga natirang retaso ng itim na telang panabit sa bahay ng mga na deads.


Hahahaha...






Walang pakialaman...
eto naman ay opinions ko lang.
No copyright kyeme intended.
Ang mga bituin ay gabay laman sa pang araw araw na pamumuhay. Meron naman siguro tayong salamin sa bahay, gamitin natin itoh...

Sunday, February 27, 2011

Isang Malaking Kalokohan

Habang akoy pauwi kanina at nakikinig sa album ng Far East Movement (na by the way ay must download album kung bet mo ng hip hop and rap), naisip ko na sa dinami dami ng mga advices ng mga kaibigan, katrabaho, kasayaw, kasambahay, kaklase ko saken about LOVE. karamihan d'on mali at hindi talaga applicable sa tunay na buhay. I'm not saying na plastik mga kaibigan ko, what im saying is based from my own experiencesuses, may mga love quotes and advices na mas mabuting iforward nalang as GM thru text kesa iadvice sa kaibigan. Eto ang Top 3 sa mga favorite ko...

1. IF YOU LOVE SOMEBODY, SET HIM/HER FREE! IF HE/SHE COMES BACK TO YOU, THEN IT'S MEANT TO BE!

OMG!!! pag talaga may nagadvice saken neto tatampalin ko ng wallet sa noo. Usually ginagamit ito sa mga magjowa na nag-ggive up na yung isa pero yung isa, mahal pa. Hindi ba if you love somebody, dapat ipaglaban mo muna, wag yung set him free na kagad. Ano yan? KALAPATI? pumalakpak ka lang, feling mo babalik na ganyan?! Pag pinaglaban mo tapos ayaw talaga, gow sa setting free. sabi nga ni basha "nay, wag na nateng ipilit". 
so ayan, napaglaban na, hindi carry, kaya go, at na set free, e bakit ba naman may kasunod pang IF HE COMES BACK TO YOU, THEN IT'S MEANT TO BE? alam nyo, expecting is one way of hurting yourselves, so pag na set free na, wag nang umasa sa coming back. laging tandaan, hindi lahat ng jowa ay OFW na ang theme song ay babalik ka rin by Gary V. And besides, like what i've said, kalapati lang ang siguradong babalik pag sinet-free mo ok?! Setting someone free is setting someone free. TAPOS!. magfocus ka nalang sa sarili mong buhay. magpaganda ka, magtravel, magpakatalino, magyoga, magpilates, magpa-lypo. In that way mas maappreciate mo yung sarili mo, alone, independent. and having a jowa is just a bonus. 

2. LET TIME AND DISTANCE HEAL THE WOUNDS. 

Linawin ko lang, ang time and distance po e hindi nabibili sa mercury drug store.
Bakit time? kasi daw hindi overnight nakakakalimot ang pusong nasugatan (naks naman sa lalim). it needs time... alam nyo guys, TIME varies depending on how you define it. (diba leeyhan) may iba nga 4 years nagsama pero nakaka move on ng 1 week lang after the break up e, may iba naman 6 months lang naging sila pero 6 years bago nakaget over. so hindi talaga time ang sagot sa moving on... try naten yung next...
DISTANCE... yung mga tangang bakla jan i'm sure gusto nang magcomment ng how far. haha.
you just need to be apart from each other.
and again, DISTANCE depends... Magkalayo nga kayo pero kung magtext naman kayo at magtawagan e parang score report sa Balls TV, everyhour, by the hour. if you really want to move on, tulungan mo nalang sarili mo.
May kaibigan ako dati (take note of the word "dati"), gusto na daw nya mag move on with her ex-bf. everyday wala kaming ibang pinaguusapan kundi kung gano kakupal (sorry for the word) yung ex nya. E ate, hindi mo talaga makakalimutan and hindi ka makakamoveone sa ex mo kung araw araw mong ililitanya ang mga ginawa nya sayo. 

MAYBE THIS IS WHAT THEY MEANT BY TIME AND DISTANCE...
Erase him from you addressbook, fonebook, facebook, at lahat ng book.
Erase him from all social networking sites.
change ur number. 
ETO PINAKAIMPORTANTE!!! Wag isoli ang mga binigay nya sayo, ipunin mo lang sa malaking box, im sure may mga mamahalin jan. tsaka mo na buksan pag nakamove on ka na. or pwede mo ding ibenta para naman magkapera kang bakla ka!
Wag munang tingnan ang pictures nya or nyo together. pasakit lang yan maniwala ka.
Wag ka munang makipagkita, esp kung dika pa ready.
At wag magtatanong ng kahit ano about him/her lalo na kung di ka pa siguradong gusto mong marinig ang sagot.

The opposite of love is apathy. so hanggat di ka pa apathetic, wag magtangkang suwayin ang kahit isa sa nasa taas.


3. YOU BOTH NEED SPACE...
 
Panalo!!!
MALAMANG!!! kaya nga magbbreak diba?!
may mga kaibigan pala ako DATIi na sadyang boba, (take note of the word DATI, so kung friend kita ngayon, hindi ikaw yun) nakakaloka. 
Pero on break ups, watch out kasi mas liliit yung space na gagalawan nyong dalawa. kasi andyan yung iwasan, yung hindi ka sasama sa barkada lakad especially kung pareho kayo ng circle of friends. Ilangan sa trabaho. hindi pagpunta sa lugar na usual nyong tinatambayan thinking na baka andun sya. part yan lahat... so be ready
Isa lang ang sagot dyan, pag lumiit na ang space between sa inyong dalawa, isigaw lang DEADMA!!!!

In fairness naman to me, lahat ng ex ko friends ko, baka isa lang yung hindi. haha
anyway, inaantok na ko.
goodnyt mga teh... :)

KAyo? ano favorite quotable advice nyo? wahahahahahahahaha :)