Search This Blog

Monday, April 18, 2011

Minsan...

Hindi lahat ng bagay sa mundo makukuha mo…

Minsan dumadating sa buhay natin yung point kung saan bibigyan tayo ng pagkakataong mamili.
Yung Tama, pero may kulang
O yung mali, pero kumpleto, minsan higit pa.
Minsan may bagay na matagal nang nasa’yo pero hindi mo nakikita kung ano ba talaga halaga nito.
Pwedeng dahil nagtatanga-tangahan ka
Pwedeng dahil manhid ka
O kaya nama’y sadyang gawa sa bato ang puso mo.
 Darating yung araw na kukunin ito sa’yo ng ibang mas may kayang mag alaga, mas kayang magmahal, at mas kayang magpahalaga.
Minsan naman may mga bagay na di mo naman talaga gusto, pero magigising ka nalang nasa mga plad mo na.
Handang palitan yung nauna.
Minsan din nama’y iiwanan ka dahil sa tagal mong magdesisyon kung yung ngayon ba? O yung nakasanayan mo na?
Pa’no na?
Minsan darating yung araw na hindi mo na kailangang mamili
Minsan naman ikaw nalang mag isa
Walang hawak….
Wala ding may hawak sa’yo…