Search This Blog

Monday, July 23, 2018

Pangarap

Lumipas na ang ingay ng gabi. 
Tumingala sa langit, hiniling ika'y makatabi. 
Pag lingon ko sa 'king kanan, nandun ka.
Naghihintay din palang ako'y makasama.

Kamay mo saki'y nakahawak 
Ulo ko sa'yong balikat 
Sa pagsikat ng umaga, 
unti unting binubuo ang ating hinaharap. 

Hindi ako makapaniwalang sakin ito'y nagaganap. 
Bawat sandaling sa pelikula lang nahahanap. 
Hiniling ko lang nama'y simpleng buhay,
ngunit binigay ng Dyos aking pangarap. 

Nariyan na ang araw, sa silangan aking natatanaw. 
Mga mata mong saki'y nakatingin, sa loob ko'y pumupukaw. 
Sigurado na ba ko sa nararamdaman? 
Mahal kita, yan ang nais sambitin ng mga labi kong nanlalaban. 

Hindi ko alam kung anong mangyayari sa ting dalawa. 
Ang alam ko'y ikaw lamang, wala nang iba.
Sana'y iyong nakikita ang saya sakin, sa twing mga mata mo'y nakatingin. 
Walang kupas. Walang kahambing.

Kung pwede lang itigil ang oras. 
Pipiliin ko yung panahong tayo'y magkayakap. 
Nakatingin sa alapaap, 
lumulutang, naghahanap. 

Hindi na muling lilingon pa
Pagkat langit ko'y nasa tabi ko na.
Mahal kita yan lang ang alam.
Paki ingatan nalang ang puso kong sayo'y nakalaan. 

Kasabay ng pagsikat ng araw, ay ang bagong pag asa.
Ang hinihiling ngayo'y ikaw na nga sana.

Ang aking makakasama... 

Sa hirap man o ginhawa