Search This Blog

Sunday, February 27, 2011

Isang Malaking Kalokohan

Habang akoy pauwi kanina at nakikinig sa album ng Far East Movement (na by the way ay must download album kung bet mo ng hip hop and rap), naisip ko na sa dinami dami ng mga advices ng mga kaibigan, katrabaho, kasayaw, kasambahay, kaklase ko saken about LOVE. karamihan d'on mali at hindi talaga applicable sa tunay na buhay. I'm not saying na plastik mga kaibigan ko, what im saying is based from my own experiencesuses, may mga love quotes and advices na mas mabuting iforward nalang as GM thru text kesa iadvice sa kaibigan. Eto ang Top 3 sa mga favorite ko...

1. IF YOU LOVE SOMEBODY, SET HIM/HER FREE! IF HE/SHE COMES BACK TO YOU, THEN IT'S MEANT TO BE!

OMG!!! pag talaga may nagadvice saken neto tatampalin ko ng wallet sa noo. Usually ginagamit ito sa mga magjowa na nag-ggive up na yung isa pero yung isa, mahal pa. Hindi ba if you love somebody, dapat ipaglaban mo muna, wag yung set him free na kagad. Ano yan? KALAPATI? pumalakpak ka lang, feling mo babalik na ganyan?! Pag pinaglaban mo tapos ayaw talaga, gow sa setting free. sabi nga ni basha "nay, wag na nateng ipilit". 
so ayan, napaglaban na, hindi carry, kaya go, at na set free, e bakit ba naman may kasunod pang IF HE COMES BACK TO YOU, THEN IT'S MEANT TO BE? alam nyo, expecting is one way of hurting yourselves, so pag na set free na, wag nang umasa sa coming back. laging tandaan, hindi lahat ng jowa ay OFW na ang theme song ay babalik ka rin by Gary V. And besides, like what i've said, kalapati lang ang siguradong babalik pag sinet-free mo ok?! Setting someone free is setting someone free. TAPOS!. magfocus ka nalang sa sarili mong buhay. magpaganda ka, magtravel, magpakatalino, magyoga, magpilates, magpa-lypo. In that way mas maappreciate mo yung sarili mo, alone, independent. and having a jowa is just a bonus. 

2. LET TIME AND DISTANCE HEAL THE WOUNDS. 

Linawin ko lang, ang time and distance po e hindi nabibili sa mercury drug store.
Bakit time? kasi daw hindi overnight nakakakalimot ang pusong nasugatan (naks naman sa lalim). it needs time... alam nyo guys, TIME varies depending on how you define it. (diba leeyhan) may iba nga 4 years nagsama pero nakaka move on ng 1 week lang after the break up e, may iba naman 6 months lang naging sila pero 6 years bago nakaget over. so hindi talaga time ang sagot sa moving on... try naten yung next...
DISTANCE... yung mga tangang bakla jan i'm sure gusto nang magcomment ng how far. haha.
you just need to be apart from each other.
and again, DISTANCE depends... Magkalayo nga kayo pero kung magtext naman kayo at magtawagan e parang score report sa Balls TV, everyhour, by the hour. if you really want to move on, tulungan mo nalang sarili mo.
May kaibigan ako dati (take note of the word "dati"), gusto na daw nya mag move on with her ex-bf. everyday wala kaming ibang pinaguusapan kundi kung gano kakupal (sorry for the word) yung ex nya. E ate, hindi mo talaga makakalimutan and hindi ka makakamoveone sa ex mo kung araw araw mong ililitanya ang mga ginawa nya sayo. 

MAYBE THIS IS WHAT THEY MEANT BY TIME AND DISTANCE...
Erase him from you addressbook, fonebook, facebook, at lahat ng book.
Erase him from all social networking sites.
change ur number. 
ETO PINAKAIMPORTANTE!!! Wag isoli ang mga binigay nya sayo, ipunin mo lang sa malaking box, im sure may mga mamahalin jan. tsaka mo na buksan pag nakamove on ka na. or pwede mo ding ibenta para naman magkapera kang bakla ka!
Wag munang tingnan ang pictures nya or nyo together. pasakit lang yan maniwala ka.
Wag ka munang makipagkita, esp kung dika pa ready.
At wag magtatanong ng kahit ano about him/her lalo na kung di ka pa siguradong gusto mong marinig ang sagot.

The opposite of love is apathy. so hanggat di ka pa apathetic, wag magtangkang suwayin ang kahit isa sa nasa taas.


3. YOU BOTH NEED SPACE...
 
Panalo!!!
MALAMANG!!! kaya nga magbbreak diba?!
may mga kaibigan pala ako DATIi na sadyang boba, (take note of the word DATI, so kung friend kita ngayon, hindi ikaw yun) nakakaloka. 
Pero on break ups, watch out kasi mas liliit yung space na gagalawan nyong dalawa. kasi andyan yung iwasan, yung hindi ka sasama sa barkada lakad especially kung pareho kayo ng circle of friends. Ilangan sa trabaho. hindi pagpunta sa lugar na usual nyong tinatambayan thinking na baka andun sya. part yan lahat... so be ready
Isa lang ang sagot dyan, pag lumiit na ang space between sa inyong dalawa, isigaw lang DEADMA!!!!

In fairness naman to me, lahat ng ex ko friends ko, baka isa lang yung hindi. haha
anyway, inaantok na ko.
goodnyt mga teh... :)

KAyo? ano favorite quotable advice nyo? wahahahahahahahaha :)

No comments:

Post a Comment