Search This Blog

Sunday, March 6, 2011

Sinetch Itey??? Ikaw Ba Ay Isa Sa Mga Madam?

So hindi pa pala sapat ang pagod na dinanas ko today coupled with the hang over kaninang umaga with cherries on top. di pa ko inaantok kaya mag bblog ako. at walang pakialaman. hihi. ang blog na ito ay ginawa para sa mga chismosa kong kaibigan na gustong maka-alam ng chismis and/or gustong makichismis and/or gustong sila ang pagchismisan and/or all of the above. sa mga mundo kong ginagalawan, hindi maiiwasang makasagap ng kung aning aning na mga balitang kinawindang ng aking ulirat. Sila na talaga ang tunay na madam

BABALA: Hindi lahat ng nakasulat dito ay proven by PAMET to be true ok? nahaluan na kasi ng opinion ng nagkwento at opinion ko. yung iba kasi galing pa sa kaibigan ng ate ng kabarkada ng former classmate ng kuya ng kapatid ng kinakasama ng kapitbahay ng friend kong si alex almonte. (joke lang teh)

Sabi nga ng tunay na madam na si Joe abuda, bato-bato sa langit, ang tamaan macomatose... Sana...
Handa na ba kayo?

1. ANG TUNAY NA MADAM, SUPER TAG SA FB!

Sinetch itey? na nagpapacute sa mga bet nyang otokiz sa pamamagitan ng FB. at, wag ka!!!! Im very sorry!!!! bet pa yata ni gir na mamangka sa dalawang ilog ha. PAK!!! Ganda mo teh e noh. at ayon sa aking reliable source, parang every night yata ay may pakulo itong si ate, super researched and well planned ang moves kaya di nahahalata ng hindi mapanuring mga mata... umamin muna teh. mas dadali buhay mo, ay nako, tutulungan pa kita. 

Itago nalang natin sya sa pangalang manang B. PAK!

2. ANG TUNAY NA MADAM, MAPAGMATAAS!

Sinetch itey? na isang young dance idol na nang okray galore daw di-umano ng jowa ng isang long time friend? at. pati daw staff ng isang kilalang TV show ay tiningnan nya ng mula ulo hanggang paa. parang Tyra banks ka naman teh H2T (head to toe). in all fairness naman kay idol e hindi naman talaga ganon ang pagkakakilala ko sa kanya, pero malay mo, lahat naman ng tao ay isang hidden maldita at bet lang naman nyan ilabas that day.oh diba. isa lang masasabi ko if that was true, wag mashado mataas friend, masakit yan pag bumagsak ka. VERY DIVA...

Clue: Makikita nyo sya sa Karagatan. LOL

3. ANG TUNAY NA MADAM, HINDI NAMUMULOT NG KALAT NG IBA.

Sinetch itey? na hindi naman mashadong kagandahan e  pero kung mang ahas ng ex ay ganun ganon nalang. GANDA MO NENG! hehehe. hindi naman kami mashadong close (pero fb friends kami kaya mababasa nya toh, sana). eto pa palang si girl ay pailalim dumiskarte teh. super send ng mga messages via social networking sites, at may pet name na sa kanyang prey. KABOG. Di porket maraming ANDA, madam na...

NAgtext sya, tawagin nalang daw sya sa pangalang Mickey! PAK!

4. ANG TUNAY NA MADAM, MAGTATRABAHO SA CHICAGO!

Sinetch itey? na ipinagdadasal ko na sana matupad na ang hiling nyang snow. fingers crossed ang mga kaibigan ni sexy starlet na sana maaprobahan ang kanyang mga dokumento at visa para maging high end na bilat bilatan sa land of milk and honey. i wish you all the best girl. 

Sya ay si Inday Bote. (alam kong alam mong ikaw toh noh) happy for you. :)

5. ANG TUNAY NA MADAM, MUKHANG PERA

Sinetch Itey?
THIS IS ME. hahaha PAK. echos lang. law of attraction lang. if you want money, it will come. You get what you attract. davah. im a diva coz i want people to treat me like a diva. tapos. deal with it. (eto ay sinabi nya)
BOOM! DAi sabi sa horoscope, iwasan mag shopping lalo na kung utang, di ba inay? pati si itay may bago din. buti nalang di kita friend sa acct ko na toh. LOL at in fairness ha ang galing mag second voice ng mga diva. LOL

itago nalang natin sya sa pangalang... tinidor... YUN NA!


Tinatamad na kong mag type. next time na ulet. sana may batch two.
Please lang if mag ccomment kayo, no names please. baka mademanda pa ko ng libelo. pahulaan nyo nalang din kung sino ang nasa isip nyo at sasabihin ko kung totoo.

Sabi nga si Zenaida Seba, ang mga blind item ay gabay laman sa ating pang araw araw na buhay. mero tayong 5 senses gamitin naten itoh.

No comments:

Post a Comment