You Lost Me! |
Napapanahon naman yata ang paghihiwalay ng mga mag jowa these days. dahil ba magsusummer na at kailangan ng mga tao ng summer fling? or dahil it's not working na talaga? Naalala ko lang nung ako yung nakipag break, halos kasabay kong na heart-broken si ady Cabrera, at sa isang inuman session, napag usapan namin na gumawa kami ng sariling version namin ng DABDA (Denial, Anger, Bargaining, Depression, Acceptance) - The five stages of coping as described by Elisabeth Kübler-Ross. Sa mga shungak na di nakakaalam, try nyo igoogle kasi tinatamad na ko iexplain.
So ginawa naming experement ang aming version ng stages of coping kung paano namen sya pinagdaanan. Kung di kayo nakakarelate, isa kayong alien. LOL
at eto na ang results...
1. PARIWARA STAGE
Nagsisimula ang stage na toh immidiately after the break up. Yun tipong narealize mo na wala na talaga. yan! di naman kasi pwedeng mag emote ka mag isa, Itetext, tatawagan, BBM, YM mo ang tropa at mag aaya ng isang malalang Inuman para sa prescon ng storya ng buhay mo. E ano ba naman ang best friend ng mga heartbroken, diba ALAK? Basagan kung basagan tapos pag nalasing, cryola ang lola. dahil jan, di makakapasok sa trabaho, or papasok ng lasing. At sa stage na toh, halos araw araw may inuman. kakalurki. pero kung true friend ka, samahan mo nalang diba. Ang perfect example nito e si Popoy nung nag break sila ni Basha. Lasing everyday, everyday ok! parang yakult lang. But everyone has to snap out of it you know. Marerealize mo na kailangan mo nang mag move on sa next stage pag wala ka nang pera kakainom at kakalibre sa mga barkada mo. Usually eto yung pinaka mahabang stage.
2. MASABI-LANG-NA-MAY-CRUSH STAGE
Kakalabas mo, ayan na, marami ka nang nakilala, pinakilala, nagpakilala. and im sure, one to many sa kanila e pinagnasaan mo dahil tigang ka eversince the break up day. wag umarte, tama diba? hahahaha
Pero sa stage na toh yung mga masabi lang na crush naten e usually mga panget at mga walang kwentang nilalang, kaya ang stage ay tinawag na masabi lang. yun tipong pagtatawanan mo sarili mo in the near future pag naalala mo na nagustuhan mo sya. ganyang level. .Ang explanation jan is because of vulnerability. yun na! alam nyo naman yan diba friends? no need to explain further. Sa stage din na toh mawi-wirdohan sayo ang iba mong friends kasi parang lahat nalang ng makilala mo e bet mong maging jowa. and again, kung tunay kang kaibigan, intindihin mo nalang. mas mahirap ang kanyang kalagayan. Tsaka OK tong stage na toh, kasi nung ako ang nandito, feeling ko ang ganda ganda ko kasi yung mga masabi lang na crush ko, feeling ko crush din ako. ahahahahaha. pwede din kasi syang tawaging feelingera stage. ahahahaha. One has to cope ya know....
At dahil napapagod ka na sa dami ng masabi lang na crush mo, I'm sure meron jan kahit isa, na pag sober ka, naaalala mo lagi at kinikilig ka. yung isang tao na pwede nang pumalit sa ex mong hayup! At dahil jan kaya nabuo ang 3rd stage.
3. GUSTO NA NG REBOUND RELATIONSHIP STAGE
Ang stage na toh ang make or break ng lahat ng stages at coping na pinagdaanan mo. Dito na papasok yung nagtetext at nag tatawagan sa fone. lumalabas na kayo lang. nakakapahinga na ang liver ng mga barkada mo dahil di ka na mashado nag aaya umiinom. In short, may napili ka na sa masabi lang na crushes mo (sana lang yung pinaka OK). ang bet mo nang gawin sa stage na toh ay movie, coffee, malling HHWW. hahaha. parang nagliligawan lang ulet.
Pero usually pumapasok tayo sa stage natoh ng hindi pa talaga tayo nakaka get over sa kahayupan ng ex natin. kaya hindi nagtatagumpay ang REBOUND relationship kasi hindi pa nasesettle ang past issues, mag jjump na to the next relationship. so what could possibly happen sa stage na'to...
A. Malaman mo na ang ex mo ay nasa "gusto na ng rebound relationship stage". Ay naku Dai! kung malakas loob mo, iggow mo yang dinedate mo, pero kung hindi Dai! balik ka na naman sa stage 1. devastated kasi bet ka na rin nyang ipag palit.
B. Hindi Magwwork out ang bet mong achievin na rebound relationship. It's either ayaw mo, or ayaw ka pala. Dahil jan. Tatlong bagay lang ang pwedeng gawin jan, Pag strong individual ka, sa STAGE 2 ka lang babalik. pipili ka lang ulet sa bodega ng masabi lang na crushes mo. or kung na fall ka ng very hard, Ay neng, Back to STAGE 1 ang drama mo. lugmok. ganyan! Pero pag ikaw naman ang umayaw for some personal reason, like self fulfillment, job abroad and others na makakapagpasaya sa'yo other that a rebound relationship, pwede ka nang mag jump sa stage 4.
C. Kung MAG WOROUT naman ang rebound relationship mo, pwede ka nang mag jump sa STAGE 4 kaagad agad with very low downpayment and 0% interest. Ganda mo lang kung ganon!
4. MASAYA NA AKO STAGE
Sa dami ng pinagdaanan mo at nilustay mong pera kakainom, kakadate, kakashopping, di ba marapat lamang na sumaya ka naman. whatever you're descision is. pwedeng after looking for self fulfillment balikan ka ulit ng new and changed ex mo diba. bongga yan. mas mayaman, mas pogi mas ok. (sayang naman ang 4 years na pinagsamahan). pwede rin namang masaya ka sa bagong trabaho at sa mga kaibigan mo at narealize mo na dapat muna palang mahalin ang sarili more than anything else. or pwede rin namang masaya ka sa bago mong jowa na nakilala mo sa stage 2.
Kanya kanya lang yang paraan ng coping up. It all boils down to one thing. KAILANGAN MONG MAGING MASAYA!
So what kung bet mong kumain ng exotic foods, so what kung bet mong manood ng stage play alone, so what kung bet mong mag travel. As long as you cope and at the end of the coping period, You'll be happy.
No matter how long or how short the coping stage is, You'll be Happy!